mind of a frustrated artist

Tuesday, October 11, 2005

a struggle within...

it's more than a month now nung huli akong nag post dito...why?...mmm...hindi naman ako busy...hind naman down and internet...hindi naman sa tinatamad ako...pero siguro nga ganun...ganyan talaga ang buhay...

sa nakalipas na buwan dami din nangyari na ok at meron din na hind ok...simulan natin...

una muna sa Pinoy Big Brother...sobrang addict na talaga ako dito sa show na to...kaso ngayon medyo disappointed ako dahil sa mga nangyaring development...ang daming mali sa show...ang daming rules ang hindi na sunod ng para lang sa ratings at sa pera...apat na housemate na ang nawala...lima na pala...si rico...si jenny...si jb "dude"...si mam racquel at yung huli nga ay si bob...basta go franzen and jayson pa rin! hind ko na ilalagay ang mga details kung bakit ako dismayado sa show visit nyo na lang ang PEX at yung PBB website.

last september may pinuntahan akong lugar para sa isang mahalagang bagay...it's my make or break oppurtunity...ok naman yung pag punta ko dun...masaya...enjoy...a new experience for me...kaso until now nag hihintay pa rin ako ng sagot from them...sabi nila hintay pa daw ako until end of the month...sana may mapala ako sa pag hihintay ko na to...sana nga...

bakit ba ang buhay laging may problema...oo...problema...hindi ba puwede mabuhay ng wala kang problema...problema dito...problema doon...ayoko ng problema...sino ba may gusto....sana tigilan na ako ng problema na to...

tbc...

Thursday, September 08, 2005

Pinoy Ako
by Orange and Lemons


Lahat tayo mayroon pagkakaiba madalang makikita naIbat ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhanGabay at pagmamahal ang hanap koPagbibigay ng halaga sa iyoNais mong ipakilala kung sino ka man talaga?

Chorus:Pinoy ikaw pinoyIpakita sa mundoKung ano ang kaya mundoIbang-iba pinoyWag kang matatakotIpagmalaki mo pinoy akoPinoy tayo

Ipakita mo ang tunay at sino ka?Mayroon masasama at magandaWala naman perpektoBasta magpakatotoo oohh… oohh…Gabay at pagmamahal ang hanap moPagbibigay ng halaga sa iyoNais mong ipakilala kung sino ka man talaga?

[chorus]

Talagang ganyan ang buhayDapat ka nang masanayWala rin mangyayariKung laging nakikibagayIpakilala ang iyong sariliAno man sa iyo mangyayariAng lagi mong iisipinKayang kayang gawin

[chorus]

aaahhhh!!! sobrang addict na ako sa PBB!!!

Sunday, September 04, 2005

start of my endless stories...

aaahhh!!!....ang tagal ko ng hindi nag blog dito...feeling ko ang dami kong na miss i-kwento or i-take note sa mga events ng buhay ko...pero babawi ako this time..

my first office task...update ko ang blog ko...

- office task (connected pages)
- promotion (ratings, salary, others salary, salary logic, logic sa ratings, etc.)
- PBB
- company policy ek-ek
- things to come
- amerikana my men!

bukas mababasa nyo lahat to...promise...kasi kung gagawin ko yan dito sa bahay sayang lang sa dial up...tumatakbo ang metro...

Sunday, August 28, 2005

holiday state-of-mind...

aaahhhhh....hate ko na ngayon si gloria...dahil lang sa may pasok ngayong monday...ok na sana nung saturday...looong weekend na sana...aba kahapon sinabi ba naman na may pasok na ulit...ng dahil lang dito i will support the gloria resign movement!...bwehehehehe...

what else...last friday...nagkaroon ng team building yung portals team...isa ako dun sa organizer...ginawa namin yung team building ala The Amazing Race...pero syempre hindi naman yung tipong around the world yung race...hind kaya ng budget namin yun...yung race dito lang sa makati...nag start dito sa office (GT) then yung mga sumunod na stations ay sa Time Zone (G2), GAC, Landmark, Power Books, at yung pinaka final ay sa NSG Greenbelt. overall mukhang ok naman yung team building...dami din nag enjoy especially sa race...so what's next...Pinoy Big Developer in the making...bwehehehehehehe!

bakit nga ba ako nag tatagalog dito sa blog ko...eh sa gusto ko eh...kasi kung english ang gamit ko dito baka ma ubusan ako...alam mo naman tuwing sa mga espesyal na okasyon ko lang ginagamit ang english ko or pag life or death situation na...besides im proud to be a noypi...di ba bamboo...bwehehehehehehe!

i tried accessing my theSpoke blog...pero mukhang naka down ata...hindi ko alam yung reason...that's odd...

Thursday, August 25, 2005

o ayan nag create na ako ng blog dito sa blogger para makapag post lang kayo ng comments...at yan lang talaga ang reason kung bakit ko to ginawa...

from my first blog dito ko na itutuloy lahat ng gusto kong sabihin...ipahiwatig...i-reklamo...i-kuwento...i-explain...at lahat na ng i (pronounce as eee...) sa buhay ko...

farewell thespoke...hello blogspot...